Froggy Jumps EsP 7Online version Ang larong ito ay isang pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 ukol sa Mabuting Pagpapasiya. by Karen Villasenor 1 Kung mahusay ang ________ , mas malinaw ang mga pagpiling gagawin. a Pagpapasya b Pagpili c Panahon 2 Ano ang ginagamit natin upang pagnilayan ang mga sitwasyon? a Puso b Isip c Damdamin 3 Kanino tayo madalas na kumukunsulta sa mga suliraning nais nating malutas? a Guro b Eksperto c Magulang 4 Ano ang isa pa nating kinukunsulta upang tiyaking kagustuhan nga natin ang ginawang pagpili? a Isip b Puso c Damdamin 5 Ano ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya? a Pagpili b Pagpapasya c Pagpapahalaga 6 Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya? a Kadalasan panahon ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya. b Kadalasan pera ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya. c Wala tayong kinakailangan upang makagawa ng pagpapasya sa anomang bagay na inaasahan sa atin. 7 Sa iyong palagay, tama ba na ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin? a Hindi po, dahil ginagamit natin ang ang mga ito upang makapanglamang sa kapwa tao. b Opo, dahil ginagamit natin ang mga ito upang pagnilayan at timbangin natin ang sitwasyon. c Opo, dahil ginagamit natin mga ito upang maging mas maayos ang pagpapasya natin kaysa sa iba. 8 Sa maiksing salita ang proseso ng mabuting pagpapasya sa ay... a “batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating mata" b “batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdamin" c “batay sa nauuso at sikat ginagamit natin ang ating isip at damdamin" 9 Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga katotohanan. Kung kaya’t kinakailangan na__________________________ a suriin ang aksiyon ng ibang tao b magkalap ng kaalaman c huwag magnilay sa mga mismong aksiyon 10 Sumasang-ayon ka ba na isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement? a Hindi po, dahil hindi na ito magiging exciting. b Opo, dahil hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay. c Opo, dahil mas magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay.