Froggy Jumps Balik-Aral: PAGKAMAMAMAYANOnline version Ang gawaing ito ay pagbabalik-aral lamang sa nakaraang modyul na ating tinalakay ukol sa Ligal at Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan. Subukin kung natatandaan pa ang napag-aralan dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inihandang katanungan. by Mar B. Fortuno 1 Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin? a Pagkamamamayan b Mamamayan c Makabayan 2 Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. a Jus soli b Naturalization c Jus sanguinis 3 Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ano ang iginigiit ng isang mamamayan? a Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan b Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang pagkatao c Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang kapwa tao 4 Ang abogadong naglahad ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. a Alexander Lacson b Josie Sison c Juan Morales 5 Sa paanong paraan ipinararating ng mamamayan ang kanilang mga hinaing at saloobin sa kinauukulan? a Sa pamamagitan ng kilos-protesta b Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga ipinapatupad na batas c Sa pamamagitan ng pamamaraang ipinahihintulot ng batas