Froggy Jumps Luksong Palaka QuizOnline version Subukan ang iyong kaalaman tungkol sa 'Luksong Palaka Tungo sa Pambansang Kita'! by CHRISTIAN NIEVE 1 Ano ang tinutukoy ng pambansang kita (National Income o NI)? a Kita mula sa ibang bansa b Kabuuang halaga ng kita ng bawat indibidwal sa isang pamilya c Kabuuang halaga ng kita ng mga sektor ng ekonomiya 2 Ano ang ibig sabihin ng per capita income (PCI)? a Kita ng isang kompanya b Kita ng bawat mamamayan kung ang pambansang kita ay pantay-pantay na hinati sa populasyon c Kita ng gobyerno mula sa buwis 3 Ano ang formula para makuha ang GNP per capita? a GNP / Government Income b GNP / Populasyon c National Income / Investments 4 Ano ang pangunahing layunin ng pambansang ekonomiya ayon sa Article XII, Section 1 ng 1987 Constitution? a Makalikom ng buwis mula sa mga negosyo b Palakihin ang export ng bansa c Makamit ang pagkakapantay-pantay sa kita at yaman 5 Ano ang ginagamit upang makalkula ang PCI? a GNP o NI at populasyon b Kabuuang sahod ng mga manggagawa c Kita mula sa Export 6 Bakit mahalaga ang pag-alam ng pambansang kita (NI) para sa isang bansa? a Upang malaman kung magkano ang perang ginagastos ng pamahalaan b Upang matantiya ang kabuuang kita ng mga mamamayan at masuri ang kalagayan ng ekonomiya c Upang madagdagan ang bilang ng mga negosyo 7 Paano nakakatulong ang PCI sa pagsusuri ng pamumuhay ng mga mamamayan? a Nagpapakita ito ng tunay na kita ng bawat mamamayan b Ipinapakita nito ang kita ng gobyerno mula sa buwis c Nagbibigay ng pagtatantiya kung magkano dapat ang kita ng bawat mamamayan batay sa pambansang kita 8 Kung ang National Income (NI) ng isang bansa ay P5,000,000 at ang populasyon nito ay 1,000, ano ang NI per capita? a P50 b P500 c P5,000 9 Bakit ang per capita income ay hindi tunay na kita ng bawat mamamayan? a Dahil ito ay pagtatantiya lamang batay sa pambansang kita b Dahil mas mataas ang tunay na kita ng mga mamamayan c Dahil ito ang kita ng gobyerno mula sa buwis 10 Kung tataas ang populasyon ngunit hindi tataas ang National Income, ano ang mangyayari sa NI per capita? a Tataas ang NI per capita b Bababa ang NI per capita c Mananatili itong pareho