Sa paggawa ng anumang proyekto gamit ang kahoy, metal, o kawayan, kinakailangang gumamit ng iba't ibang kagamitan at kasangkapan upang maging maayos at episyente ang trabaho. Narito ang mga pangunahing kategorya ng mga kasangkapan at kanilang gamit:
- Pamukpok – Ginagamit sa pagpukpok o pagtambak ng pako at iba pang pangkabit na materyales. Halimbawa: martilyo, mallet.
- Panukat – Mahalaga sa pagtatantiya ng tamang sukat at distansya upang maging tumpak ang paggawa ng proyekto. Halimbawa: metro, ruler, tape measure, protractor.
- Pambutas o Pang-ukit – Ginagamit upang gumawa ng butas o disenyo sa kahoy, metal, o kawayan. Halimbawa: drill, chisel, lagari ng bakal (hacksaw).
Pamputol – Ginagamit upang gupitin o hatiin ang mga materyales ayon sa tamang sukat. Halimbawa: lagari (hand saw), grinder, gunting sa yero.