Froggy Jumps Araling Panlipunan 10 Interactive gameOnline version Interactive game about Politics and Civic Engagement by Samantha May Macaraeg 1 Ang__________ay galing sa salitang Griyego na “polis” na nangangahulugang mga gawain sa isang lungsod estado. a Polisiya b Politika c Party List 2 Ito ay isang batas ang ipinatupad noong 1995 kung saan pinahintulutan na makilahok ang mga organisadong grupo sa pambansang politika. a Party Program System b Party Company System c Party List System 3 Ito ay isang pormal na proseso ng pagpili ng mga mamamayan ng mga opisyal na sa tingin nila ay may kakayahan na mamuno at mapagkakatiwalaan nila. a Bolunterismo b Eleksiyon c Recall 4 Ito ay ang mga non-profit na grupong mga lokal na boluntaryong mamamayan, pambansa o pandaigdig na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan. a NGO b PGO c LGU 5 Mga sektor na hindi gaanong binibigyan ng pansin o ang mga marginalized na sektor kaya kinakailangan nila ng kakatawan sa kanila sa Kongreso nang sa gayon ang mga hinaing nila ay madinig at mabigyan ng aksyon. a Party List System b Politika c Party List 6 Ito ay paraan ng pagboto ng mga mamamayan sa bansa o isang distrito ng kanilang pangsang-ayon o pagtutol sa isang panukala, halimbawa ay ang pagbabago o pagrerebisa ng Saligang Batas. a Plebesito b Eleksyon c Initiative 7 Ito ay paraan ng pagboto kung saan ang isang nanalong kandidato sa isang eleksyon ay matatanggal sa kanyang puwesto bago pa man matapos ang kanyang termino. a Eleksiyon b Bolunterismo c Recall 8 Ito ay isa sa mga uri ng organisasyong kabilang sa civil society ngunit kinabibilangan ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at may partikular na layunin at ipinaglalaban. a Non-Governmental Organization b People’s Organizations c Local Government Unit 9 Ito ay proseso na kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyanng pagkakataon upang magmungkahi ng batas. a Referendum b Plebesito c Initiative 10 ___________ay mga samahang pampolitikal na nagnanais na mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa pamahalaan. a Partido Liberal b Partido Politikal c Nacionalista Party