New game
Download
Get Academic Plan
Share game
Integrate it into your platform

You can integrate the game into an LMS compatible with LTI 1.1 or LTI 1.3 such as Canvas, Moodle, or Blackboard. This way, the scores will be automatically saved into the platform’s gradebook.
Download
You have exceeded the maximum number of games you can integrate into Google Classroom with your current Plan.

To integrate as many games as you want in Google Classroom, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

You have exceeded the maximum number of games you can integrate into Microsoft Teams with your current Plan.

To integrate as many games as you want in Microsoft Teams, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

Downloading games is an exclusive feature for users with an Academic Plan or a Commercial Plan.

Get your Academic Plan or your Commercial Plan now and start integrating your games into your LMS, website or blog.

If you wish, you can download a demo game here and test its integration:

Completa Spatia: Noli Me Tangere

Fill in the Blanks

Played 0

About this activity

Ludus ad complendum spatia in textu 'Noli Me Tangere'.

Created by

Philippines

Download the paper version to play

Make your own free game from our game creator
Compete against your friends to see who gets the best score in this game

Top Games

%
Anonymous
Anonymous
%
%
%
You have exceeded the maximum number of games you can print with your current Plan.

To print as many games as you want, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

Print your game
Completa Spatia: Noli Me Tangere
 

Fill in the Blanks

Completa Spatia: Noli Me TangereOnline version

Ludus ad complendum spatia in textu 'Noli Me Tangere'.

by Trisha Jane marie Tabernilla
1

nondum meum dic eis tangere ad ascendi me fratres vade quia meos et sed Patrem Noli

, ; ad : Ascendo ad Patrem meum et Patrem vestrum , et Deum meum et Deum vestrum .

2

Crisostomo Juan binatang Ibarra Pilipino

Si ay isang na pinapag - aral ng kanyang ama sa Europa . Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas . Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salusalo . Kabilang sa mga panauhin ay sina Pari Damaso , Pari Sibyla , Tenyente Guevarra , Donya Victorina at ilang matataas na tao . Sa hapunang yaon ay makalawang hiniya ni Pari Damaso , ang dating kura ng San Diego , ang binata ngunit ito'y kanyang pinagpaumanhinan , magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin .
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara , isang napakagandang binibini at larawan ng babaing Pilipina . Siya ay anak - anakan ni Kapitan Tiyago , isang mayamang taga - Binundok . Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag - uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa ng kanilang kamusmusan . Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag - aral sa Europa .
Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tenyente Guevarra ng guwardiya sibil ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael , ang mayamang asendero sa bayang yaon .
Ayon sa Tenyente , si Don Rafael ay pinaratangan ni Pari Damaso , na erehe at pilibustero , gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal . Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito . Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag - aaral . Nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata . Nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban , sa kasamaang - palad ay tumama ang ulo ng Kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay . Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael . Pinag - usig siya at nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba - ibang sakdal . Siya ay nabilanggo . Nang malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan . Di pa rin nasiyahan si Pari Damaso sa nangyaring yaon . Inutusan niya ang tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa Katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik subalit dahil sa umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasiya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa .
Hindi binalak ni Ibarra na maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Pari Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama , ang pagpapatayo ng paaralan .
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi nailigtas ni Elias . Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata .
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas av muling pinasaringan ni Pari Damaso ang binata . Hindi na sana niya ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at sasaksakin na sana niya ang pari , salamat na lamang at
napigilan ni Maria Clara .
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag si Ibarra ng arsobispo ng simbahang Katoliko Romano . Sinamantala ito ni Pari Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara . Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay isang binatang Kastila , si Linares , na bagong dating sa Pilipinas .
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang , si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha . Salamat na lamang at gumaling dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na ipinainom ni Sinang .
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang - bisa ang pagka - kaekskomulgado ni Ibarra at ipinasiya ng arsobispo na tanggaping muli siya sa simbahang Katoliko . Ngunit nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag - uusig ang kuwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo . Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag - uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaaring mamuno sa mga taong di kumakatawan sa bayan .
Napawalang - bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang nakapagsabi na siya'y kaalam sa kaguluhang naganap . Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ay ginawang kasangkapan upang siya'y mapahamak .
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang ginaganap ito ay nakatakas si Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias .

Are you sure you want to leave the page?

If you leave the page, you will lose your game progress.