Ang Tunay na Sampung Utos (Akda ni Apolinario Mabini)Online version Pagsunod-sunurin ang mga utos batay sa akda ni Apolinario Mabini na "Ang Tunay na Sampung Utos" by Jhelette Escombien 1 Ang Tunay na Sampung Utos (Akda ni Apolinario Mabini) Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral, at magsumakit ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng iyong loob Palalaluin nang kaunti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapwa tao Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga ang lahat na namamahala ay palagay ng bayan Ibigin mo ang iyong Inang bayan ikalawa sa Dios at sa iyong puri at higit sa iyong sarili, sa pagka’t siya ang nakaisa-isang Paraisong pinaglagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito Sambahin mo ang Dios sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o konsyensya Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw lamang ang tunay na makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghal Ibigin mo ang kapwa mo tao kaparis ng pag-ibig mo sa iyong sarili Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang kapangyarihan ng sino mang tao na hindi inilagay ninyong magkakababayan Pagpilitan mo ang kalayaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili