EkonomiksOnline version KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN by Ruel Encinas 1 Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran? a Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa. b Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa. c Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan d Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP. 2 Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran? a Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at ibang serbisyong panlipunan. b Ito ay tumutukoy sa sektor ng bansa. c Ito ay tumutukoy lang sa edukasyon at imprastruktura. d Ito ay tumutukoy sa pambansang kita lang. 3 Ang Gross National Product at Gross Domestic Product ay ilan sa mga batayan upang masukat ang pambansang kaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa batayan ng pambansang kaunlaran? a Kakayahan ng manggagawa b Kalinisang pang-bayan c Uri ng pamahalaan d Kawalan ng trabaho 4 Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa ating bansa? a Tangkilikin ang mga produktong sariling atin. b Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan. c Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad. d Wala sa nabanggit 5 Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa? a Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan b Sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa mga produktong Pilipino c Sa pamamagitan ng pagiging makabansa d Sa pamamagitan ng pagiging maalam 6 Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI nagpapakita ng pag-unlad? a Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. b Isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao. c Kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. d Mga nakikita at nasusukat na pagbabago sa pamumuhay ng isang bansa. 7 (OO/HINDI) may pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada. a OO b HINDI 8 Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang mamamayan? a Pagbabayad ng tamang buwis b Pagpili ng tamang kandidato c Pagbili ng lokal na produkto d Paglahok sa mga gawaing panlipunan 9 Bilang isang mag-aaral, anong paraan ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa? a Tangkilikin ang mga produktong murang ipagbenta ng ibang bansa. b Ugaliing manuod ng mga balita tungkol sa pag – unlad ng ibang bansa. c Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad. d Wastong pagbabayad ng buwis 10 Ano ang tawag sa isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao,gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan,kawalan ng trabaho,kamangmangan,di pagkakapantay-pantay,at pananamantala? a kapital b pag-unlad c pagbabago d kalakalan 11 Ang HDI (Human Development Index) ay pinagsasama samang istatistika ng mga sumusunod.Alin sa mga ito ang hindi kasali? a life expectancy b income per capita c education d taxes 12 Sinusukat ang halaga ng mga yaring produkto at serbisyo na nalikha sa loob ng isang panahon. a PAGSULONG b PAG-UNLAD 13 Ano ang dapat gawin ng pamahalaan para makamit ang pagsulong at pag-unlad? a magbigay ng trabaho at serbisyo b bantayan ang karapatan ng mga tao c mangulekta ang tamang buwis d lahat ng mga nabanggit. 14 May dalawang konsepto ng pag-unlad, ang tradisyunal na pananaw at ang ang makabagong pananaw. Kaninong kaisipan ito? a Todaro at Smith b Keynes at Malthus c Feliciano at Fajardo d Maros at Faltz 15 Alin ang HINDI sumusuporta sa konsepto ng pagsulong at pag-unlad? a makabagong teknolohiya b lubak-lubak na kalsada c nagtataasang gusali d maraming bukas na trabaho