AP 9 QUIZ 1: EKONOMIKSOnline version Isang paunang pagsusulit na sumasaklaw sa mga batayang konsepto ng Ekonomiks, kabilang ang kahulugan, layunin, pangunahing suliraning pang-ekonomiya, at ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin ng pagsusulit na masukat ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga pundasyong kaalaman na magiging gabay sa mas malalim na pagtalakay sa asignatura. by Daisy Tayum 1 Ano ang pangunahing layunin ng ekonomiks bilang agham panlipunan? a Pag-aaral ng kasaysayan ng tao b Pag-aaral kung paano ginagamit ang limitadong yaman c Pagtukoy sa pagkakaiba ng wika d Pag-aaral ng pisikal na anyo ng daigdig 2 Alin sa mga sumusunod ang hindi sakop Microekonomiks? a Personal na kita b School budget c Kabuuang kita ng bansa d Unemployment Rate 3 Bakit maaaring pagmulan ng kaunlaran ang pag-iimpok? a Ang naimpok na pera sa mga bangko ay maaaring gamitin sa paglikha ng trabaho at produksyon. b Napalalawig nito ang kalakalang panlabas. c Napapataas nito ang palitan ng piso kontra dolyar. d Tama ang lahat ng nabanggit. 4 Sa isang liblib na barangay, mabilis ang paglaki ng populasyon ngunit limitado lamang ang sakahang lupain at suplay ng pagkain. Dahil dito, maraming pamilya ang nakararanas ng gutom at kahirapan. Anong teorya ang ipinapakita sa senaryong ito? a Labor Theory of Value b Population Theory c Malthusian Theory d Scarcity Theory 5 Paano makatutulong ang Fiscal Policy sa pagpapaunlad ng bansa? a Nabibigyang laya ang mga negosyante na magdesisyon sa kung ano at paano lilikhain ang produkto. b Napalalawig at nadadagdagan ang mga limitadong yaman. c Napopondohan ng gobyerno ang mga proyektong pangkaunlaran . d Nabibigyang laya ang mga dayuhan sa kalakalan. 6 Siya ang tinaguriang "Ama ng Komunismo." a Karl Marx b Adam Smith c David Ricardo d Thomas Malthus 7 Kung ikaw ay may limitadong badyet ngunit maraming kailangang bilhin, paano mo ito haharapin? a Bibilhin lahat gamit ang utang b Pipili ng pinakamahal c Magtatakda ng prayoridad batay sa pangangailangan d Hindi bibili ng kahit ano 8 Isa pang tawag sa Let Alone Policy a Laissez Faire b Das Kapital c Komunismo d Taxation 9 Kung ang pinagkukunang-yaman ay may hangganan, ang pangangailangan at hilig-pantao naman ay ___________________. a may limitasyon b walang hangganan c may hangganan d wala sa nabanggit 10 Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ____________________. Choose one or more answers a Oikos at Nomos b Oiko at Nomia c Okos at Nomus d Oikos at Numia