This quiz helps learners understand why the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 was enacted, its purpose, and the types of protection it provides against violence in intimate relationships.
1
Noong huling bahagi ng dekada 2000, napansin ng mga mambabatas at iba’t ibang organisasyon na dumarami ang kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, lalo na sa loob ng tahanan. Dahil sa malinaw na kakulangan ng sapat at komprehensibong proteksyon para sa kababaihan at kanilang mga anak, kaya napanukala ang batas na ito.
a
Republic Act No. 9165 – Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
b
Republic Act No. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
c
Republic Act No. 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004
d
Republic Act No. 6975 – Department of the Interior and Local Government Act of 1990
2
Si Ella ay 16 taong gulang at nakatira kasama ang kanyang ama. Tuwing may hindi siya nagagawa sa bahay, halimbawa hindi nakatapos ng chores o nagkamali sa homework, sinasampal siya ng ama o tinatamaan ng panulat o pamalo sa kamay. Palaging sinasabi ng ama na “para turuan ka lang kita” at nagkukunwaring aksidente kung may pasa siya sa katawan.
a
Sikolohikal / Emosyonal na Karahasan
b
Sekswal na Karahasan
c
Ekonomikong Karahasan
d
Pisikal na Karahasan
3
Si Lara ay 19 at nagtatrabaho part-time sa isang café. Gustong-gusto niyang bumili ng laptop para sa school projects, pero ang partner niya ay kinokontrol ang lahat ng kanyang kinikita. Kapag nagtanong siya sa pera niya, pinapagalitan siya at sinasabing “huwag mo na isipin ang pera mo, ako na bahala.” Hindi rin siya pinapayagang mag-save o mag-invest sa kanyang sariling pangangailangan
a
Sikolohikal / Emosyonal na Karahasan
b
Sekswal na Karahasan
c
Ekonomikong Karahasan
d
Pisikal na Karahasan
4
Si Bea ay 18 at may kasintahan. Palagi siyang pinipilit ng kasintahan niyang makipag-sex kahit ayaw niya, lalo na kapag may social gatherings o kapag nagkakahiwalay sila sa kwarto. Kapag tumatanggi, pinapahiya siya sa pamamagitan ng group chat, sinasabi na “malas ka na hindi mo ako gusto, wala kang silbi.”
a
Sikolohikal / Emosyonal na Karahasan
b
Sekswal na Karahasan
c
Ekonomikong Karahasan
d
Pisikal na Karahasan
5
Si Miguel ay 17 at nakatira kasama ang kanyang stepmother. Palagi siyang binabastos at pinagmumura sa harap ng kapatid kapag nagkamali sa school assignments. Sinasabi rin sa kanya na “walang silbi ka” at “huwag kang umasa sa kahit sino.” Unti-unti siyang nawalan ng kumpiyansa at takot nang lumapit sa ibang tao.
a
Sikolohikal / Emosyonal na Karahasan
b
Sekswal na Karahasan
c
Ekonomikong Karahasan
d
Pisikal na Karahasan
6
Si Ana ay isang babae na paulit-ulit na sinasaktan at minumura ng kanyang asawa. dahil sa matinding takot, nagpasya siyang humingi ng tulong upang maprotektahan ang kanyang sarili at ang kanyang anak. Kanino siya nararapat unang lumapit o magsumbong?
a
School Principal, Firefighter, Traffic Enforcer
b
Social Worker, Pulis, Barangay Kagawad
c
Mayor, Security Guard, Philippine Navy
d
PDEA,Barangay Tanod, Private Lawyer
7
Gusto ni Anna na magkaroon ng legal na proteksyon upang mapigilan ang anumang susunod pang karahasan laban sa kanya at sa kanyang anak. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong?
a
Pagkakaroon ng pag-uusap sa loob ng pamilya
b
Pagkakaroon ng simpleng usapan sa asawa
c
Pagkakaroon ng paghingi ng tawad ng nananakit
d
Pagkakaroon ng Protection Order
8
Si Rica ay 19 at nakatira sa probinsya. Ang kanyang dating kasintahan ay bigla na lang dumating sa kanilang bahay at sumigaw sa kanya, pinapaalis siya sa kanyang kwarto, at sinasabing “huwag ka na lalabas ng bahay ko!” Natakot si Rica at pumunta sa barangay upang humingi ng tulong.
a
Barangay Protection Order (BPO)
b
Temporary Protection Order (TPO)
c
Permanent Protection Order (PPO)
9
Si Liza ay 22 at nakatira sa condo unit. Ang kanyang kasintahan ay nagbabanta sa kanya sa telepono, minsang nag-follow sa kanya sa labas ng condo, at sinasabing “huwag kang lalapit sa akin o may mangyayari sa’yo.” Natakot si Liza sa agarang panganib, kaya pumunta siya sa korte at humingi ng proteksyon. Ipinalabas ang kautusan ng korte na may bisa hanggang 30 araw habang inaasikaso ang legal na kaso.
a
Barangay Protection Order (BPO)
b
Temporary Protection Order (TPO)
c
Permanent Protection Order (PPO)
10
Si Carla ay biktima ng matagal na pisikal at emosyonal na pananakit mula sa asawa. Matapos ang ilang buwan ng legal proceedings, naglabas ang korte ng order na nagbabawal sa asawa na lumapit sa kanya at sa anak niya nang pangmatagalan, hanggang sa may pagbabago sa hukuman.
a
Barangay Protection Order (BPO)
b
Temporary Protection Order (TPO)
c
Permanent Protection Order (PPO)
11
Ayon sa batas na "ANTI-VAWC of 2004" alin sa mga sumusunod ang tamang parusa sa isang taong napatunayang nagkasala?
a
Sapilitang pagkakakulong sa military camp at permanenteng pagbabawal sa lipunan
b
Pagkabilanggo ng maysala, pagbabayad ng danyos na hindi bababa sa ₱100,000 hanggang ₱300,000
c
Pagkabilanggo habambuhay (life imprisonment) nang walang karagdagang proseso
d
Parusang kamatayan at agarang pagkuha ng lahat ng ari-arian ng maysala