New game
Download
Get Academic Plan
Share game
Quiz
Quiz

ArPan

Integrate it into your platform

You can integrate the game into an LMS compatible with LTI 1.1 or LTI 1.3 such as Canvas, Moodle, or Blackboard. This way, the scores will be automatically saved into the platform’s gradebook.
Download
You have exceeded the maximum number of games you can integrate into Google Classroom with your current Plan.

To integrate as many games as you want in Google Classroom, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

You have exceeded the maximum number of games you can integrate into Microsoft Teams with your current Plan.

To integrate as many games as you want in Microsoft Teams, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

Downloading games is an exclusive feature for users with an Academic Plan or a Commercial Plan.

Get your Academic Plan or your Commercial Plan now and start integrating your games into your LMS, website or blog.

If you wish, you can download a demo game here and test its integration:

ArPan

Quiz

Played 2

About this activity

Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Created by

Philippines

Download the paper version to play

Make your own free game from our game creator
Compete against your friends to see who gets the best score in this game

Top Games

%
Anonymous
Anonymous
%
%
%
You have exceeded the maximum number of games you can print with your current Plan.

To print as many games as you want, you need an Academic Plan or a Commercial Plan.

Print your game
ArPan
 

ArPanOnline version

Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

by SHEENA LEEN LOCSIN
1

1. Ano ang tawag sa katayuan o kalagayan ng isang tao bilang miyembro ng pamayanan?

2

2. Sino ang mga kinikilalang miyembro sa sinaunang lipunan sa bansang Greece?

3

3. Ano ang tawag sa lungsod-estado sa bansang Greece na binubuo ng mga taong may iisang mithiin?

4

4. Ano ang katangian ng isang mamamayan kung ito ay nagpapakita ng katapatan sa Republika ng Pilipinas?

5

5. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay itinatapon sa tamang paraan ang kanyang basura?

6

6. Kung ang isang tao ay tinatangkilik ang mga produkto na gawa sa sariling niyang pamayanan o bansa, anong katangian ang ipinakikita nito?

7

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kanyang karapatan bilang mamamayan?

8

8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan?

9

9. Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan?

10

10. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan?

11

11. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?

12

12. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”: Walang sinuman ang nabubuhay pra sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin tungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?

13

13. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

14

14. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang legalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?

15

15. Tungkulin ng isang mabuting mamamayang Pilipino na humingi ng opisyal na resibo tuwing bibili ng produkto. Ano ang kahalagahan nito sa bansa?

16

16. Ano ang tawag sa kapangyarihan na ipinagkakaloob ng Estado sa mamamayan upang piliin ang nararapat na pinuno o lider sa lipunan?

17

17. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kapaligiran?

18

18. Si Lemuel ay ipinanganak sa Amerika, bagamat parehong Pilipino ang kanyang magulang. Sa kabila na siya ay nakatira sa Amerika lubos ang kanyang pagpapahalaga sa mga produktong galing sa Pilipinas. Anong katangian ang ipinapakita ni Lemuel?

19

19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mamamayang may pagpapahalaga sa lupang tinubuan?

20

20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mamamayang produktibo?

21

21. Sa panahon ng halalan, lumapit sa inyong ang isang representante ng isang kandito at pinipilit kang suhulan para iboto ang isang pulitiko sa inyong lugar. Natatakot kang tanggihan ang alok na pera sapagkat kilala ang naturang pulitiko na mainitin ang ulo at ayaw ang napapahiya. Ano ang dapat mon gawin?

22

22. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino?

23

23. Bakit sinasabing nasa kamay ng mamamayan ang kagalingan at pag-unlad ng lipunan?

24

24. Ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga mamamayan sa mga produktong gawa sa sarili nilang bansa?

25

25. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

26

26. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga mamamayan ay hindi humihingi ng opisyal na resibo?

27

27. Ibinoto ni Joseph ang isang tapat at maaasahang lider sa halip na ang malapit na kamag-anak na wala namang nagawa sa kaniyang termino. Anong katangian ang ipinapakita ni Joseph?

28

28. Nakikilahok sa tree-planting at coastal cleanup ang mga mamamayan. Anong katangian ng isang mabuting Pilipino ang ipinapakita nito?

29

29. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

30

15. Paano maipakikita ng isang mamamayan ang kanyang pagkamakabansa?

Feedback

A. Pagkamamamayan – Ito ang terminong tumutukoy sa katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

B. Lalaki lamang – Sa sinaunang Greece (tulad ng Athens), ang mga kalalakihan lamang ang kinikilalang mamamayan na may karapatang bumoto at makilahok sa pamahalaan.

A. Polis – Ang polis ang tawag sa mga lungsod-estado sa sinaunang Greece.

A. Makabayan – Ang pagpapakita ng katapatan sa Republika ng Pilipinas ay isang katangian ng pagiging makabayan

D. Makakalikasan – Ang tamang pagtatapon ng basura ay direktang pagpapakita ng pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.

C. Makabansa – Ang pagtangkilik sa sariling produkto (Pinoy Pride/Buy Local) ay pagpapakita ng pagiging makabansa o nasyonalismo.

B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay. – Ang aktibong pakikilahok sa mga komite ay isang paraan ng paggiit at paggamit ng karapatan para sa ikabubuti ng komunidad.

B. Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng nakararami. – Ang matalinong pagboto ay nakabase sa plataporma at kabutihang panlahat, hindi sa kasikatan o kamag-anak.

D. Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng lipunan. – Ang mabuting mamamayan ay hindi lamang nagmamasid kundi tumutulong sa paglutas ng mga isyu.

C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan. – Ang aktibong pakikilahok ay susi sa pag-unlad at pagtugon sa mga problema ng bansa.

C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. – Binibigyang-diin nito ang tungkulin ng indibidwal sa kanyang bayan kaysa sa mga pribilehiyong matatanggap niya.

C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan. – Ang kanta ay tungkol sa kolektibong pananagutan ng bawat isa.

B. Aktibo siya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay. – (Katulad ng bilang 7, ito ay nagpapakita ng aktibong pagkamamamayan).

C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin. – Ang legal na katayuan ay ang basehan ng mga proteksyong legal at mga obligasyong dapat sundin sa ilalim ng batas.

D. Upang matiyak na ang buwis ay nakakarating sa kaban ng bayan. (Note: Bagama't ang opsyon C ay teknikal na tama para sa mamimili, sa konteksto ng Araling Panlipunan at pag-unlad ng bansa, ang paghingi ng resibo ay mahalaga upang masiguro ang tamang koleksyon ng buwis na gagamitin sa mga proyekto ng pamahalaan).

B. Pagboto – Ito ang politikal na kapangyarihan (suffrage) na ibinibigay ng Estado upang makapili ng mga lider.

C. Makakalikasan – Ang pagpapahalaga sa kapaligiran ay direktang katangian ng pagiging makakalikasan.

D. Makabansa – Kahit nasa ibang bansa, ang pagtangkilik sa sariling produkto ay pagpapakita ng nasyonalismo o pagiging makabansa.

A. Handang ipagtanggol ang Estado. – Ang kahandaang maglingkod at protektahan ang bayan ay tanda ng pagpapahalaga sa lupang tinubuan.

D. Nagtatrabaho at tinatapos nang maayos ang kanyang gawain. – Ang pagiging produktibo ay nasusukat sa husay at sipag sa paggawa na nakatutulong sa ekonomiya.

A. I-report sa kinauukulan ang panunuhol ng kandidato at huwag iboto ang naturang pulitiko. – Ito ang pinakamapanagutang hakbang upang mapanatili ang integridad ng halalan.

B. Pahalagahan ang mga imported na produkto. – Hindi ito nagpapakita ng prayoridad sa sariling bansa (ang dapat ay "Tangkilikin ang sariling produkto").

C. Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga lider nagkakaroon ng positibong pagbabago sa lipunan. – Ang pag-unlad ay bunga ng pagkakaisa ng gobyerno at taumbayan.

A. Tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser at tataas ang buwis na malilikom ng gobyerno... – Ito ang direktang epekto ng local consumption sa ekonomiya.

C. Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na makipagtulungan ang mamamayan sa gobyerno. – Ang Good Governance ay nangangailangan ng Active Citizenship.

D. Mawawalan ng koleksiyong buwis mula sa sektor ng industriya at bababa ang pondo ng gobyerno. – Ang resibo ay katibayan na ang buwis (VAT) ay nairehistro at mapupunta sa kaban ng bayan.

D. Makatwiran – Ang pagpili sa mas karapat-dapat na lider kaysa sa kamag-anak ay pagpapakita ng pagiging obhetibo at makatwiran.

B. Makakalikasan – Ang tree-planting at coastal cleanup ay mga gawaing pang-ekolohiya.

B. Aktibo siya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay. – Ang pakikilahok sa kaayusan ay isang paraan ng pagpapatupad ng karapatan sa isang ligtas na pamayanan.

A. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng lipunan. – Ang pagsunod sa batas (tulad ng Saligang Batas) ay pundasyon ng pagiging makabayan.

Are you sure you want to leave the page?

If you leave, you will lose the game in progress.