EPP 4- REVIEWER-FIRST TERM (Project REePLAY)Online version
Ang REVIEWER SA EPP 4 (FIRST TERM) ay bahagi ng Project BEE (Be Efficient and Effective) na naglalayong itaas ang Mean Percentage Score (MPS) ng mga mag-aaral sa periodical exam sa pamamagitan ng maayos at sistematikong paghahanda. Kalakip din ito sa Project RePlay (Rebuilding Educational e-Playground at Home) na nagbibigay ng home-based review support gamit ang teknolohiya at simpleng gabay sa pag-aaral upang mas mapadali at maging mas makabuluhan ang pag-unawa ng mga bata sa mga aralin sa EPP.
1
Habang nag-iinspeksyon si Bingo sa kanyang taniman, napansin niyang nagbabago ang kulay ng mga bunga habang nahihinog. Ano ang karaniwang kulay ng mga hinog na bunga?
a
Dilaw o Pula
b
Puti
c
Asul
d
Itim
2
Maagang pumunta si Auel Christ sa bukid upang anihin ang mga gulay at prutas bago uminit nang husto ang panahon. Bakit mas mabuting mag-ani sa umaga habang hindi pa mainit?
a
Upang hindi malanta ang mga produkto
b
Upang mabilis mabulok
c
Upang lalong uminit ang bunga
d
Upang maulanan ang mga ito
3
Mag-aani si Nate Aedrielle ng mga bunga na nakakabit sa tangkay ng halaman. Nais niyang maiwasang
mapinsala ang puno habang nag-aani. Anong kagamitan ang dapat niyang gamitin?
a
Bato na pampukpok
b
Matalas na gunting o kutsilyo
c
Kahoy na pamalo
d
Kamay lamang at hilahin
4
Sinusuri ni John Kiel ang isang pakwan bago ito anihin. Nais niyang malaman kung hinog na ito sa
pamamagitan ng pagtapik sa balat. Alin ang palatandaan ng hinog na pakwan?
a
Tunog ng umaalog na tubig
b
Tunog na matinis gaya ng baso
c
Walang anumang tunog
d
Tunog na thud kapag tinapik
5
Pagkatapos mag-ani, napansin ni Nathaniel na may ilang bungang nasira o may bahaging bulok. Bakit
mahalagang ihiwalay ang sirang bunga sa mga magagandang klase?
a
Para bumigat ang basket
b
Upang hindi mahawa ang ibang bunga
c
Para maging mas pangit ang hitsura
d
Upang lalong dumami ang sira
6
Nais malaman ni Tristan kung handa na para anihin ang kanyang mga halamang ugat. Napansin niyang
nagbabago na ang mga dahon ng halaman. Ano ang palatandaan na maaari na itong anihin?
a
Kapag natutuyo o nagdidilaw na ang dahon
b
Kapag namumulaklak pa ito
c
Kapag lalong lumalaki ang mga dahon
d
Kapag namumula ang dahon
7
Habang sinusuri ni Kendrick ang isang pakwan, tinapik niya ang balat nito upang malaman kung hinog na.
Ano ang tawag sa tunog na karaniwang maririnig sa hinog na pakwan?
a
Thud
b
Boom
c
Ting
d
Click
8
Nag-ani si King Enrique ng mga bunga kahit hindi pa sapat ang kanilang pagkahinog. Nang suriin niya ang mga ito, napansin niyang hindi pa maganda ang kanilang kalidad. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong maaga ang pag-aani?
a
Mas magiging mahal ang presyo
b
Mas malaki ang bunga
c
Mababa ang kalidad at hindi hinog
d
Mas magiging masarap
9
Habang nag-aani si Lucas, napansin niyang madaling mapitas ang isang bunga mula sa tangkay. Ano ang dapat niyang gawin?
a
Pitasin na dahil ito ay handa na
b
Diligan muli ang halaman
c
Iwanan pa sa puno
d
Hintayin pang lalong tumigas
10
Matapos anihin ni Ace Jared ang mga prutas at gulay, nais niyang mapanatili ang kanilang magandang
kondisyon at kalidad. Alin ang nagpapakita ng tamang pag-iingat sa mga inaning produkto?
a
Itambak nang mataas sa lalagyan
b
Bilad sa matinding sikat ng araw
c
Ilagay nang maayos sa malinis na basket
d
Itapon sa lupa ang mga bunga
11
May bumili ng kamatis sa iyong puwesto. Nais mong matiyak na hindi masisira ang mga kamatis habang
dinadala ito ng mamimili. Paano mo ito dapat ilagay sa plastik?
a
Isama ang mga bulok na kamatis sa ilalim.
b
Ilagay nang maayos at huwag itambak nang sobra.
c
Ilagay sa ilalim ang pinakamalalambot na kamatis.
d
Balutin ito sa lumang dyaryo na madumi.
12
Marami kang dalang kalabasa para ibenta sa palengke. Dahil malalaki at mabibigat ang mga ito, saan mo dapat ilagay ang mga ito sa mesa?
a
Sa likurang bahagi dahil ito ay malaki at mabigat.
b
Sa ilalim ng mesa para hindi makita ng tao.
c
Isabit ito sa gilid ng iyong timbangan.
d
Sa pinakaharap para matakpan ang ibang paninda.
13
Isang mamimili ang lumapit sa iyong puwesto at nagreklamo tungkol sa presyo ng iyong paninda. Ano ang dapat mong gawin?
a
Sigawan ang mamimili dahil siya ay maingay.
b
Huwag pansinin ang mamimili at makipagkwentuhan.
c
D. Paalisin agad ang mamimili sa iyong harapan.
d
Ipaliwanag nang mahinahon ang dahilan ng presyo.
14
Nais mong malaman kung magkano ang tamang presyo ng iyong mga inaning produkto. Ano ang dapat mong isaalang-alang?
a
Hulaan lamang ang presyo base sa iyong nararamdaman.
b
Itaas ang presyo nang sobra para yumaman agad.
c
Kwentahin ang gastos sa binhi, abono, at transportasyon.
d
Itanong sa kapitbahay na hindi naman nagtatanim.
15
May mamimiling nais makatipid at mabawasan ang paggamit ng plastik. Ano ang maaari mong ipayo na
dalhin niya?
a
Isang malaking karton na sira-sira.
b
Maraming maliliit na plastik na supot.
c
Isang balde na may butas sa ilalim.
d
Sariling reusable bag o malinis na bayong.
16
Isang suki ang humihingi ng sobrang baba na presyo para sa iyong produkto. Hindi mo kayang ibaba pa ang presyo dahil maaaring malugi ka. Paano ka tatanggi?
a
Pagtawanan ang suki sa harap ng ibang tao.
b
Magalit at sabihing huwag na siyang babalik.
c
Sabihin nang magalang na lugi na sa puhunan.
d
Ibigay ang produkto nang libre para umalis na.
17
Habang inaayos mo ang iyong mga paninda, nakita mong may isang bulok na saging. Ano ang dapat mong gawin?
a
Ihiwalay ito agad para hindi mahawa ang iba.
b
Ibenta ito sa mas mahal na presyo sa bata.
c
Hayaan lang ito doon hanggang may bumili.
d
Itago ito sa gitna ng mga sariwang saging.
18
Kinukuwenta mo ang presyo ng iyong mga inaning gulay. Bukod sa halaga ng abono, ano pa ang dapat mong isama sa pagkwenta?
a
Ang bilang ng mga bituin sa langit kagabi.
b
Ang pagod at oras na ginugol sa pagtatanim.
c
Ang pangalan ng iyong paboritong alagang hayop.
d
Ang paboritong kulay ng iyong mga mamimili.
19
Nais mong malaman agad ng mga mamimili kung magkano ang bawat paninda sa iyong puwesto. Paano mo ito masisiguro?
a
Ibulong ang presyo sa mga taong dumadaan lang.
b
Isigaw ang presyo nang paulit-ulit sa palengke.
c
Isulat ang presyo sa maliit na papel na nakatago.
d
Maglagay ng malinaw na price tag sa bawat uri.
20
May batang bumili ng gulay sa iyong puwesto. Nais mong ipakita ang mabuting pakikitungo sa lahat ng
mamimili. Paano mo siya kakausapin nang wasto?
a
Kausapin siya nang may paggalang tulad ng matanda.
b
Lokohin siya sa timbang dahil hindi niya alam.
c
Huwag siyang pansinin dahil bata pa siya.
d
Sabihan siyang tawagin ang kanyang mga magulang.
21
Habang inaayos ni Wesley ang kanyang study area, tinulungan siya ng guro na ayusin nang tama ang upuan,
mesa, keyboard, at monitor upang maging komportable at ligtas siya habang gumagamit ng computer. Ano ang tawag sa sining ng wastong pag-aayos ng kagamitan para sa tao?
a
. ICT
b
Agrikultura
c
Ekonomiks
d
Ergonomya
22
Si Prince ay matagal na gumagamit ng computer para sa kanyang mga gawain sa paaralan. Nais niyang
maiwasan ang pananakit ng kanyang likod, leeg, balikat, at iba pang bahagi ng katawan. Bakit mahalaga ang pagsunod sa tamang postura sa harap ng computer?
a
Upang hindi malowbat ang computer
b
Upang makaiwas sa sakit ng katawan
c
Upang maging maganda ang monitor
d
Upang bumilis ang internet
23
Habang gumagawa ng assignment si Kurt Jahred sa computer, napansin niyang nakabitin ang kanyang mga
paa dahil mataas ang kanyang upuan. Ano ang tamang posisyon ng kanyang mga paa habang nakaupo?
a
Nakapatong sa iyong kabilang binti
b
Nakatapak nang patag sa sahig
c
Nakatupi sa ilalim ng iyong upuan
d
Nakataas sa ibabaw ng mesa
24
Habang gumagamit ng computer si Junjun, napansin niyang napakalapit ng kanyang mukha sa monitor. Upang mapanatiling komportable ang kanyang mga mata, gaano dapat kalayo ang kanyang mga mata mula sa computer screen?
a
Limang metro ang layo
b
Isang braso ang layo
c
Isang pulgada lamang
d
Sampung talampakan ang layo
25
Habang nagta-type si Vince ng kanyang report, inaayos niya ang posisyon ng kanyang mga kamay at braso
upang hindi mapagod ang mga ito. Anong hugis ang dapat mabuo ng kanyang siko habang gumagamit ng keyboard?
a
Letrang S
b
Letrang V
c
Letrang L
d
Letrang O
26
Matagal nang nakatingin si Jhon Bert sa computer screen habang gumagawa ng kanyang assignment. Naalala
niya ang 20-20-20 rule na itinuro ng kanyang guro. Ano ang dapat niyang gawin tuwing ika-20 minuto?
a
Tumingin sa malayo ng 20 segundo
b
Matulog nang 20 oras
c
Kumain ng 20 pirasong kendi
d
Uminom ng 20 basong tubig
27
Dahil gustong matapos agad ni Zyron ang kanyang computer activity, inilapit niya nang husto ang kanyang
mukha sa screen. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong malapit ang kanyang mata sa screen?
a
Lalakas ang iyong pandinig
b
. Magiging mabilis ang iyong pagtitipa
c
Gaganda ang kulay ng iyong monitor
d
Maaaring sumakit at mapagod ang mata
28
Gumagamit si Ryle Vinz ng computer ngunit hindi umaabot sa sahig ang kanyang mga paa dahil mataas ang
kanyang upuan. Ano ang dapat niyang gawin?
a
Hayaan na lamang nakabitin ang paa
b
Gumamit ng isang footrest
c
Huwag na lamang gumamit ng computer
d
Tumayo na lamang palagi
29
Habang inaayos ni Rhenz ang kanyang computer monitor, nais niyang tiyaking nasa tamang taas ito upang
hindi niya kailangang yumuko o tumingala nang sobra. Saan dapat nakapantay ang itaas na bahagi ng computer monitor?
a
Sa iyong mga mata
b
Sa iyong dibdib
c
Sa iyong mga tuhod
d
Sa iyong baba
30
Matapos gumamit ng computer nang isang oras si Ken Kyrie, napansin niyang naninigas ang kanyang
katawan. Ano ang pinakamabuting gawin?
a
Tumayo at mag-inat ng katawan
b
Magpatuloy lang sa paglalaro
c
Patayin agad ang computer nang mabilis
d
Takpan ang mata ng madilim na tela
31
Naglalaro si Ralph ng online game nang limang oras nang walang mahabang pahinga. Nang tumayo siya,
sumakit ang kanyang likod. Ano ang dapat niyang gawin?
a
Tumayo at mag-unat ng kanyang katawan.
b
Uminom ng gamot at ituloy ang laro.
c
Humiga habang hawak ang kanyang tablet.
d
Maglaro pa ng higit na matagal.
32
Napansin ni Rance na madalas napapagod at lumalabo ang kanyang paningin pagkatapos gumamit ng gadget
nang matagal. Ano ang maaaring sanhi nito?
a
Pagbabasa ng mga libro sa ilalim ng ilaw.
b
Sobrang pagkain ng mga masustansyang gulay.
c
Labis na pagtitig sa maliwanag na screen.
d
Pagtulog nang maaga sa gabi ng walong oras.
33
Gabi na ngunit gumagamit pa rin si Jennica ng cellphone sa halip na magpahinga. Ano ang maaaring maging
epekto nito?
a
Mahihirapan siyang makatulog nang mahimbing sa gabi.
b
Mas lalong lalakas ang kanyang resistensya rito.
c
Lalabo ang kanyang pandinig sa susunod na araw.
d
Magiging mas mabilis siyang mag-isip sa klase.
34
Gusto ni Hazel na magkaroon ng sapat na oras para sa pag-aaral, pahinga, paglalaro, at paggamit ng gadgets.
Ano ang pinakamainam niyang gawin?
a
Gumawa ng iskedyul para sa digital wellness.
b
Ibigay ang lahat ng oras sa paglalaro.
c
Huwag nang gumamit ng kahit anong gadget.
d
Maglaro lamang kapag wala ang kanyang mga magulang.
35
Itinuro ng guro na mahalagang gamitin ang teknolohiya sa paraang nakatutulong sa kalusugan, pag-aaral, at
pang-araw-araw na buhay. Ano ang tawag sa malusog na ugnayan ng tao sa teknolohiya?
a
Digital Marketing
b
Digital Gaming
c
Digital Wellness
d
Digital Addiction
36
Si Ezrah Faith ay matagal nang nakaupo sa harap ng computer at nakakaramdam na ng pagod. Nais niyang
gumalaw at makapagpahinga mula sa screen. Ano ang tamang ehersisyo o gawain?
a
Kumain ng maraming matatamis na pagkain.
b
Titigan ang screen hanggang sa makatulog siya.
c
Maglaro ng isa pang video game agad.
d
Maglakad-lakad sa labas ng kanilang bahay.
37
Napansin ni Sofia Mae na nahihirapan siyang mag-focus sa kanyang pag-aaral matapos gumamit ng tablet
nang matagal. Bakit ito maaaring nangyari?
a
Dahil sa pakikipag-usap sa kanyang mga guro.
b
Dahil sa labis na impormasyon mula sa gadget.
c
Dahil sa pagkain ng masusustansyang mga prutas.
d
Dahil sa paggawa ng kanyang mga takdang-aralin.
38
Nakalimutan ni Samantha na kumain dahil sa sobrang tagal niyang nanonood ng videos. Ano ang maaaring
nawala sa kanya?
a
Ang kakayahan niyang manood ng mahabang video.
b
Ang disiplina sa paggamit ng kanyang oras.
c
Ang internet connection ng kanilang buong bahay.
d
Ang kanyang paboritong laruan sa loob ng bahay.
39
May patakaran sa bahay nina Ayesha Kaye na bawal gumamit ng gadget habang kumakain. Bakit mahalaga
ang ganitong patakaran?
a
Para hindi madumihan ang screen ng kanilang gadget.
b
Para makapag-usap ang buong pamilya nang maayos.
c
Para makatipid sa kuryente ang kanilang mga magulang.
d
Para mas mabilis maubos ang lahat ng pagkain.
40
Napansin mong madalas na nag-iisa ang iyong kaibigan at mas pinipiling gumamit ng gadget kaysa makipag-
usap o makipaglaro sa iba. Ano ang maaaring ipinapakita nito?
a
Isang epektibong paraan para makapagpahinga ang isip.
b
Isang paraan para maging sikat sa kanilang paaralan.
c
Isang senyales ng paglayo sa ibang mga tao.
d
Isang magandang halimbawa ng tamang pag-aaral.